Friday, November 4, 2011

"stolen shot" photographer? CANDID

Gusto kong maging magaling na photographer. Pero ayaw ko ng common, ayaw ko ng tulad ng iba, gusto kong maging kakaiba. Meron bang ganun? Stolen Shot Photographer? or meron bang term para dun?

Gusto kong makakita ng mga taong naglalakad sa ulan at pipicturan ko sila ng di nila alam, gusto kong kumuha ng mga batang naglalaro sa kalye. Gusto kong kumuha ng shots ng dalawang matandang naghoholding hands habang naglalakad. Gusto kong kumuha ng picture ng batang umiiyak at pinapatahan ng nanay nya at niyayakap, gusto kong kumuha ng taong kumakain ng marami at sarap na sarap sa pagkain, gusto kong kumuha ng taong natatawa habang umiinom ng juice or ng tubig, gusto kong kumuha ng taong tumatakbo at tapos nauntog sa poste, gusto ko ng mga candid at masasaya, kakaiba pero nakakatuwa..

Ayoko ng mga scripted shots. Gusto ko maging photographer ng mga bagay na may theme na "capture the moment", hindi yung puro model modelan, pa-cute, pagandahan, paartehan, pa-sexyhan, minsan pa nga puro hubad na babae at lalaki ang pinipicturan or puro halaman at mga bulaklak, minsan nga kahit birthday or kasal ayaw kong kunan, ang gusto kong kinukunan ay ung mga tao sa paligid, habang kumakain, habang tumatawa, habang kumakamot ng pwet, habang nangungulangot, habang nakasimangot, habang galit, habang nakikipag away, habang umuutot, habang tumatakbo or tumatalon at kung anu anu pang gumagalaw, nakakatawa, nakakatuwa at masasaya. hahaha =))

I want a happy and fun shot. (^_______^)

Monday, September 19, 2011

girl power

Para sa isang feminist na katulad ko, ang salitang girl power ay nakakaganda ng pakiramdam ko, laging naiisip ko. IPAGLABAN ANG MGA KABABAIHAN!! kulang na lang makipag rebolusyon ako para lang ipagtanggol ang karapatan ng mga babae pero bigla kong naisip..girl power...pero pano kung sobra na pala?

minsan nakakita ako ng lalaking sinisipa ang gf/wife/kabit/etc (hindi ko alam), iyak lang ng iyak ang babae, gusto kong sipain ang lalaki or kaya batuhin or sumigaw or awayin pero naisip ko, alam ko wala kong karapatan maki alam sakanila pero iba parin ang mananakit diba? Ang hirap, di ko alam ang dapat gawin sa mga ganung sitwasyon, maki-alam at ipagtanggol ang babae or manahimik dahil problema naman nila yun? kayo ba naranasan nyo na yun? anung gagawin nyo pag may nakita kayong ganun? ang hirap kasi para sakin..

Pero nung kelan lang, iba naman ang sitwasyon, bago ako sumakay ng bus, may nakita akong babaeng inis na inis sa bf/asawa/kabit (hindi ko na naman alam) at maya maya, kinukurot na ng babae ang lalaki, at ang initial reaction ko? Wala.. natawa lang naman. haha, Naisip ko nung mga oras na yun, kakatawa naman to. haha, Nung una tumatawa yung lalaki tapos tumatakbo, pero yung babae hindi natinag, mas lalo pang nainis at mas lalo syang kinukurot ng mas masakit pa

**kurot sa tigiliran, takbo ang lalaki na natatawa, hinabol.. kurot pa ng kurot hanggang sa masakit na..

at hanggang sa hindi na mapinta yung muka ng lalaki at nanahimik na lang, natawa ako..hahaha, hindi ko rin alam kung bakit, siguro dahil bihira lang ako makakita ng babaeng nanakit ng lalaki, physically pero kung babae ang sinasaktan ng ganun malamang nagalit na naman ako, haha, oh well, anu bang masasabi nyo sa girl power? pano pag inabuso na? magagawa nyo ba ipagtanggol ang lalaki?

hahaha..

Wednesday, August 24, 2011

walang nagturo...

Hindi ko alam kung sino sino pa ba...sino pa ba dito sa ngayon ang katulad kong..pasensya na sa word na gagamitin ko, pero papakatotoo ako.. sino ba dito ang katulad kong tumae?

Tinuturo pa ba ang tamag upo sa pag tae? O hindi na? kasi kung OO, walang nagturo sakin na dapat umupo sa inodoro.. haha, mula noon at kahit ngayong matanda na ako, hindi ako umuupo sa inodoro, nakasampa ang dalawang paa ko pag ako ay tumatae.. hahaha pasensya na sa topic pero ganito talaga.. haha

Kung hindi naman tinuturo ito at kusa na lang natututunan, pwes! Hindi ako natuto, hahaha! Hindi ko rin alam kung bakit pero ganun ako mag pupu.. hahaha =))

Kayo ba? naturuan ba kayo? hehe =)) wala lang ako magawa at matagal ko na tong naiisip, minsan kasing mag pupu ako at hindi ko nasara ang pinto, nagulat ang kapatid ko at tinanong ako kung bakit daw ganun ang pwesto ko, nasabi ko na lang.. wala kasing nagturo sakin! haha toinks! *_*

Tuesday, August 16, 2011

Writer

Hindi ako writer, well, hindi ako sikat na writer pero para sakin writer ako. LOL. hehe, kasi mahilig ako magsulat at kahit sino pwedeng maging writer, lahat ng taong madadaldal pero walang makausap, mga taong maraming iniisip pero walang mapaglabasan, hahaha kaya nilalabas lahat sa pagsusulat ang kanilang kadaldalan katulad ko. haha.

Nagtataka ako bakit kelangan gumamit ng mga author ng mga salitang malalalim at mahirap maintindihan kung pwede naman silang gumamit ng mga salitang mas simple at mas pang masa, ang hirap kasi minsan lalo na pag english. hahhaha =))

Pag ako nagkaron ng sariling libro, sisiguraduhin ko maiintindihan ng lahat at mag eenjoy silang basahin kesa pahirapan silang mag google ng meaning ng bawat salita. haha =))

Food TRIP

Sa mga oras na to, hindi ako curious pero nangangarap ako. haha. Nangangarap ako na sana may makilala ako at makasundo pagdating sa kainan. haha.

Babae, lalaki, bakla o tomboy kahit anu pa basta kasama lang sa pagkain, at hindi manimili ng pagkain. Yun bang tipo ng kahit anong pagkain ang iharap mo sakanya, kakainin nya, yung opposite ko, para kahit saan kami kumain ayos lang. At lahat ng pagkain na hindi ko gusto at hindi ko kayang ubusin, sya ang kakain. hahahah. para naman hindi masayang. lol.

yun lang! babu! ahahahah =))

Sunday, July 24, 2011

one week relationship

Bakit kaya mahilig magsalita ang mga ina? or madalas bungangera? Nang dahil lang sa shokshok na mas maliit pa sa thumb ko, sinermonan na ako. Haha. Pero kung iisipin mo nga naman hindi practical, sino ba naman ang bibili ng shokshok na maliit sa halagang 60pesos? wala ng iba kundi AKO.


AKO. AKO. AKO. Hahahaha. Dumating ako sa bahay na maraming dalang tali at shok shok nakita ng ermats ko at tinanong kung saan ko nabili at kung magkano at dahil sa maliit na shok shok na yun, isang mahabang sermon ang narinig ko, daig pa nya ang SONA ng presidente at ang mga paring nanenermon twing misa. Kung meron mang sa mundong ito ang bibigyan ng pagkakataong magsalita, sya na.. ang may pinaka mahabang sasabihin at hindi mo gugustuhing pakinggan. Haha. Marami nga naman kaseng 10pesos na shokshok sa tabi tabi, bakit nga ba ko bibili ng ganun. Kasi nung una ko yung nakita, alam ko na matibay yun at maganda. Makikita naman sa quality na halatang matibay. Sa gitna ng pagsasalita ng ermats ko, tinanong ko sya.., pero muka naman syang matibay diba saka maganda?!? sagot nya OO, eh di yun na, yun ang mahalaga...saka sya tumahimik.


Siguro napag isip isip din nya na may punto naman ako. Madalas ako naghahanap ng tali kasi laging napuputol at di kinakaya ang kapal ng buhok ko, kesa naman bumili ako lagi at mura lang, maganda ng bumili ko ng mahal at alam kong di masisira. ^_^


Pero ito lang siguro ang masama, hindi nga sya nasira, kahit tulog ako hindi sya nababali di tulad ng iba na pag gising mo bali bali na, matibay sya talaga yun nga lang.. Nawawala sya at minsan nakakalimutan mo. Haha.. Naiwan ko ngayon sa bus ang mahal kong shokshok. Hahaha. Ganun lang kadali ang storya ng shokshok ko. A one-week relationship. LOL

Saturday, June 25, 2011

namimiss kita pero ayaw kitang kausap?

bakit kaya ganun, minsan nakakausap natin ang mga taong matagal na nating di nakikita, sinasabi natin miss na kita, kelan ba tayo ulit magkikita? mag popost ka ng ganun sa wall nila, sa Facebook Status or sa mga pictures nila or kaya i-ti-tweet mo sakanila, pero pag online naman kayong dalawa sa ym or sa anu mang messenger or chat, di naman kayo nag uusap?

haha, anu bang ibig sabihin nun? namimiss kita pero ayaw kitang kausap?

haha. tanong lang ng isang taong ganito. haha, sa side ko, hindi kasi ako mahilig makipag chat but I miss all my friends hindi lang ako yung tipo ng tao na mahilig makipag chat or maunang mag chat. haha ^_^

Sunday, June 19, 2011

ngiti ngiti

bakit kaya ganun, pag ang baby walang ngipin at ngumiti sobraaaannnnggg kyot at nakakatuwa pag ang matanda ngumiti ng walang ngipin, nakakatawa??

tinitigan ko ang picture ng pamangkin ko na nakangiti ng sobra, 8months pa lang sya at wala pang ngipin at tuwang tuwang ako habang nanggigigil sa picture tapos naisip ko, kung ako siguro yung nasa picture at walang ngipin hindi nakakatuwa. hahaha :D :))

nakakatawa at nakakainis siguro kung may isang matandang lalaki or babae, sabihin na nating, mga nasa 30 years old, tapos pipicturan mo ng nakahiga habang tumatawa ng walang ngipin. hahaha. wala lang naisip ko lang. ^__^

Wednesday, June 8, 2011

weird ako

Hindi lang siguro ako ang may "weird" stuff about sa sarili, lahat naman siguro ng tao, wala akong magawa kaya iisa-isahin ko ang mga bagay na nakakapagpa weird sa pagkatao ko.

1. i hate cheddar cheese - yeps, i hate cheese but i LOVE mozzarella and cheese-flavored food like, cheese-flavored french fries, chips, cheese bread and etc. kahit ako pinipilit kong intindihin pero kahit anung pilit ko hindi ko maintindihan ang sarili ko. Ayoko ng cheddar cheese, kapag may nakikita ako cheese on top of spaghetti, inaalis ako, pag may nakikita akong cheese sa burger, aalisin ko. Laging ganun, nakakakain lang ako ng cheese pag hindi ko alam na may cheese ang isang food or pag hindi ko nakikita. ^_^

2. i hate mayonnaise and "white" sauce that looks like mayo - ayoko ng white sauce na mga pasta and i hate mayo. nandidiri kasi akong tignan, tingin ko sa kanila laway ng kabayo pag may nakikita akong tao na habang kumakain ng carbonara or anything na may mayo or white sauce and merong white sa labi nila naiimagine ko ang kabayong ngumunguya.. o_O

3. i love and hate dogs - mahilig ako sa aso lalo na sa mga cute na mga aso, ang sarap nilang kurutin and nakakatuwang tignan, pero ayoko sakanila, kasi takot ako sa aso. kahit sa mga tuta, once na nakarinig na ko ng tahol ng aso, natatakot na ko at gusto ko na silang pag sisipain. ~_~ nakita ko kasi ang pinsan ko kung pano sya kinagat sa pwet ng aso ng isa naming pinsan kaya simula nun natakot na ko sa mga aso T_T kahit tahol lang ng isang tuta matatahimik na agad ako. o_O

4. anime influenced me a lot - hindi alam ng tao, pero ang anime ang pinaka nakaka impluensya sa pagkatao ko, ang pag iisip at ang pag uugali, siguro isa sa dahilan kung bakit ako may sariling mundo minsan kasi ganun ang ibang tauhan sa mga anime, nung nawala nga ko sa sarili at ni kwento ko sa kapatid ko ang una nyang sinabi, "anu ka anime?!?". Nung bata ako ayaw ng nanay ko at tatay na manood ako ng ganon kasi daw mga demonyo daw yung itsura, pero naimpluwensyahan ako ng mga demonyong itsura na yun. I learned to value my friends and sacrifice a lot kasi ganun ang mga anime, masyadong pinapahalagan yung mga kaibigan. Sa mga anime ko natutunan ang pagiging fair at ang justice na tinatawag at hanggang ngayon kahit matanda na ko yung mga ganung ugali nakatatak parin sakin, kahit minsan naiinis ako sa katangahan ng mga tauhan pero without even realizing it, tanga na din pala ko. haha ^_^

Ang unang anime na naka impluwensya sakin ay ang saber marionette at si lime yun, nung bata ako gusto ko maging katulad nya, nakakatuwa, masayahin at ginagawa ang lahat para sa taong mahal, to the point na minsan tanga na or martyr at hanggang ngayon i still want to be like her ^__^.

5. I won't wash dishes unless it's JOY - kala ng ibang tao, weird thing to or parang mababaw or bakit ganun?!? pero ang totoo. It's all about trust. Hindi ako naghuhugas ng mga plato kung hindi joy kasi yun ang una kong ginamit mula ng una kong naghugas ng pinggan. haha, so dun ako nasanay at dun ako nagtiwala, since ayoko na ng iba, ganun din sa toothpaste, sa sabon panglaba at iba pa. sa sabong pampaligo lang ata iba kasi lahat ng sabon tinatry ko para malaman kung ano dapat pagkatiwalaan ko. haha, at ganun din ako sa tao, hindi ako basta basta nagtitiwala and i bet kahit gano ko kamahal ang isang tao or katindi ang nararamdaman sa kanya, hindi ako magtitiwala. Oo, i know, sabi kung mahal mo dapat magtiwala ka, but i don't think matututunan ko yun. Nahihirapan akong magtiwala sa tao kaya siguro nahihirapan akong magmahal, or maybe i didn't really love the guys i've been with, coz, i never really trusted them. Nahirapan ako, nahihirapan at mahihirapan. I guess it's my destiny to be alone. I don't trust people as much as I don't trust any other dish washing liquid. lol. parang baliw lang. napaka seryoso. hahaha

It may sound funny but i guess it's really a serious psychological issue. ^_^

Saturday, May 28, 2011

akin ang mundo ^_^

Minsan ba na experience nyo na gusto nyo ulit bumalik sa pagkabata? Yung bang tipong wala kayong iintindihin kundi sarili nyo at gagawin nyo lahat ng gusto nyo. Yung tipong may sariling mundo? Masayang isipin diba? Maganda, nakakatuwa, pero matutuwa ka parin ba pag sumobra na ang pag gawa mo sa sarili mong mundo?

Madalas pag mag isa lang ako lalo na pag nasa work, tumatakbo, kumakanta, tumatalon, naglalaro na parang bata, hindi ko alam kung natural lang ba yun or muka na ba kong tanga pero masaya ako kapag ginagawa ko yun, lalo na pag pupunta ko ng CR kaso mukang nasobrahan ng minsang magpunta ko ng mall.

Kasama ko ang mga office mates ko para manood ng Pirates of the Caribbean on stranger's tides. Masaya ang pakiramdam ko kaya tumatalon ako habang naglalakad at habang naglalakad nabasa ko sa isang boutique ang salitang Lock&Lock at sa hindi maipaliwanag na dahilan, kinanta ko ito at ginawan ng sariling tono.. *Lock and lock, lock and lock.. lalalala* habang tumatalon talon at tinataas ang dalawang kamay.

Natauhan lang ako ng may muntikan na kong matamaan na matandang babae, isang pamilya sila, dalawa silang mag asawa at ang bata nilang anak at lahat sila napatingin sakin at nagulat, napatigil ako at pagtingin ko sa likod ko, nawala sa isip ko na may kasama pala ko. Pati sila nagulat sakin, at hindi lang sila ang nagulat, pati ako nagulat sa sarili ko. hahaha

Nagkatawanan kaming lahat at sa sobrang kahihiyang nadama ko, nagtago ko sa likod ng isa kong opismate habang tumatawa.

Friend: "t*ngina, may sariling mundo ang p*ta! hahahha"

Nung mga panahong yun di ko alam nangyari sakin, LOL. natanong ko tuloy ang sarili ko, nababaliw na ba ko? Mukang kelangan ko na ata ng psychiatrist baka sa susunod hindi lang sa opis ako gumawa ng mundo, baka gawin ko ng sariling mundo ang earth. haha.

Ito ata ang nangyayari pag bored at kapag inaankin ang mundo. haha

Monday, April 25, 2011

tapis tapis

Muli na naman akong na bored at naka kita ng kapuna-punang bagay. Weird at hindi ko alam kung anung naiisip ng mga tao sa twing lumalabas sila ng bahay ng nakatapis para bumili ng shampoo or sabon? May mga nakikita akong matitino naman ang itsura pero gumagawa ng ganon. I just don't get it!

Bakit kaya kelangan lumabas ng mga babae ng nakatapis hndi ba pwde mag short sila ulit at mag tshirt bago lumabas kahit wala ng underwear eh pwede na yun since bibili lang naman sila di nman mahahalata yun. Napaka weird lang at para sakin napaka cheap tignan. Haha! (sorry sa mga tatamaan). Ang madalas ko lang kasing makitang ganun mga probinsyana or mga katulong or mga japayuki. Pasensya sa pagiging mapanghusga or sa pang discriminate na din siguro pero hindi ko talaga maisip ang point ng mga ganung babae at ang utak na meron sila. Hehe ^_^

Isipin mo na lang kung may humila ng tapis nila, eh di wala na silang saplot?! haha
, mamaya mapagtripan kong hilain ang tapis nila..



Pasensya na lang! ^_^ haha

Sunday, January 30, 2011

B(.)(.)Bs - at ang pakiramdam ng wala nito..

maraming disadvantage ang pagiging payat kung akala ng mga matatabang tao na buti pa ang mga tulad ko, nagkakamali sila..

unang una.

1. hindi lang ang mataba ang nahihirapan maghanap ng kakasya at babagay sakanila, pati din ang mapapayat, hindi kami makapag tube kasi walang boobs, hindi makapag dress kasi nagmumukang daster ang ibang damit at nagmumuka kaming batang walang boobs at nahihirapan pumili ng pants and blouse kasi lahat malaki pag XS naman or S, fit na fit pag M naman, malaki na.. wala bang SM?

2. hindi namin ma feel ang pagiging sexy, although may mga nagsasabi na sexy kami, haha pero minsan di ko na fi-feel talaga.. haha

3. kahit anung kain namin para lang magka konting laman, walang epekto..

4. minsan nagmumuka kaming poste.

5. minsan, nababangga na ang boobs namin hindi pa alam ng ibang tao, kasi hindi nila nararamdaman, at tanging kami lang ang nakakaramdam ng sakit na naidulot ng pag bangga na yon!!

marami pa kung iisa-isahin pero biglang nawala lahat sa isip ko.. haha

hindi nyo pa kasi naranasan ang naranasan ko, nag try ako mag strapless na bra pero hirap na hirap na hirap ako, habang naglalakad, unti unti syang bumabagsak, at sa bawat pag hinga mo, pag inhale at exhale mo, nararamdaman mo ang pag galaw at pagkahulog ng bra mo.

naranasan nyo na ba na habang naglalakad kelangan hawak hawak nyo ang bra nyo or naka ipit ang braso nyo sa damit nyo wag lang malaglag ang bra nyo? hahaha. ako, naaakkuuu.. maraming beses na ata.. hindi nyo alam ang pakiramdam ng wala nito.. medyo mahirap.. hahaha

gusto ko maramdaman minsan, kung anong feeling ng may malaking boobs, yung bang tipong, habang tumatakbo ka may umaalog alog sayo, hahaha, gusto kong makita ang sarili ko na may cleavage. anu bang pakiramdam ng may boobs? paano ba magka boobs ng hindi nagpapa plastic surgery??


ANO BANG PAKIRAMDAM NG MAY BOOBSSS??

ito ang katanungan ng babaeng pinagkaitan ng boobs..

:(

Saturday, January 15, 2011

pinagbibiling toothbrush?

Kung lahat kaya ng bagay nabebenta, bibili ka? or ipagbibili mo?

Nakakatawa lang kasing isipin, sobrang dami na ngayong pinagbibili online. Second hand, brand new, gadgets, beauty products, etc.. as in sobrang dami nila so if ever ba nakabili ka ng isang bagay at di mo nagustuhan, ipagbibili mo ba agad??

kung pwede lang nuh? kung lahat lang nabebenta agad at nabibili or may bumibili. haha

Bumili kasi ako nung kelan ng toothbrush, colgate ang tatak. Lagi naman colgate ang tootbrush ko and masarap naman sa bibig, unlike those toothbrush na mumurahin at madaling masira, mejo pricey sya for a toothbrush kasi merong mga 50+ or 100+ samantalang pag bumili ka sa mga kanto kanto, 10pesos lang. haha


Nung kelan lang umuwi ako sa bahay namin, sa totoong bahay ko, nag aapartment kasi ako ngayon, and naiwan ko yung toothbrush ko sa bahay namin, worth 100+ ata yun, so nung umuwi ako sa apartment, wala akong magamit kaya bumili ako ng worth 50+ na toothbrush from colgate parin syemre, pero na disappoint lang ako, kasi nung pag gamit ko, ang tigas at ang sakit sa gilagid, parang bato na kinikiskis sa ngipin mo at gums, so na disappoint ako, ang tagal ko ng bumibili ng toothbrush ng colgate bakit ganun ang toothbrush nila ngayon?,

habang nag to-toothbrush ako bigla ko lang naisip, kung ipagbili ko kaya to may bibili kaya? hahaha, nakakadiri mang isipin pero naisip ko sya, hahaha. =))

ipopost ko sa ebay or sa kahit anung site ang mga katagang to..

TITLE: 2nd hand toothbrush for sale!

bought it for 50+ and will sell it for as low as 30pesos.
isang beses pa lang nagagamit, walang kasira sira.. at pagkatapos ko gamitin, nilagay ko agad sa lalagyanan.
may kasama pang lalagyanan ng toothbrush, sobrang naka mura na kayo!

Please PM me for more details..

reason for selling?
TOOTHBRUSH UPGRADE!!


tingin nyo?, magiging mabenta kaya? pipicturan mo sya at ipopost ang bagong biling toothbrush, kasama ang box nya at resibo ng pinagbilhan mo.

may mga magpopost kaya at sasabihin,

hi, im interested, last price po ng toothbrush?

OR magsasabing

magkano po pag may kasamang toothpaste? anu pong toothpaste yung ginamit nyo nung ginamit nyo ang toothbrush na yan?

OR

pwede ko po ba i-trade yung oral b q na toothbrush?



nakakatawang isipin nuh? na medyo nakakadiri. hahaha

pero naiisip ko ang mga ganitong bagay, mga bagay na walang kwenta, na nakakadiri. hahaha

so kayo kaya? kung pwede lang lahat mapagbili?

ipagbibili nyo ba? ako kasi mukhang oo, haha, pero..

ang tanong..

bibili din ba kayo??

bibilhin nyo ba ang toothbrush ko??

LOL =))

Monday, January 3, 2011

kapag nabobored ka na??

kapag bored na bored ka na, tahimik ang paligid at tanging kuliglig at tunog lang ng electric fan ang naririnig mo ano ang dapat gawin??

ayoko talaga sa lahat ang feeling ng nabobored, parang gusto ko magpakamatay. haha, tinatawag ako ng lupa at mga kaluluwa. hahhaha, nauubusan ng gagawin, sasabihin, pupuntahan so wala kang ibang maisip na gawin, kaya minsan pag tinamaan ka ng toyo sa utak iisipin mo, magpakamatay kaya ako? para mawala ang boredom na nararamdaman ko. haha

pero hindi pa rin, haha. ako lang kaya ang nakakaranas ng matinding boredom sa panahon na to? ano kayang ginagawa ng ibang tao pag nabobored sila, marami silang pwedeng gawin tulad ng paglalaba, paglilinis o paghuhugas ng plato pero ayaw naman nila gawin kasi hindi sila matutuwang gawin to kasi hindi naman nito mapapalitan ang nararamdaman mo. ANG FEELING NG ISANG BORED. haha

tahimik ang paligid. wala kang ginagawa kundi tignan ng paulit ulit ang frontpage ng facebook mo, may mga nakikipagchat sa fb chat pero ayaw mo silang kausap kasi BORING silang kausap. haha, nagbibihis ang hawsmate mo at walang ibang iniintindi kundi ang pagbibihis nya at ang cellphone at ikaw naman pinagmamasdan sya tapos, tutulala at mag e-ef-bi. haha

tapos iisipin mo, anu ba ang dapat kong gawin???????? bigla mong maiisip, makakasama na naman ng bwiset na lalaking to ang crush nya, ibig sabihin aandar na naman ang pagkapraning mo at magseselos sa kaloob looban ng puso mo at maiinis na naman sa sarili at sa taong gusto mo. hahaha


pero hindi pa rin, iisipin mo bagong taon na nga diba? dapat wala ka ng iintindihin kundi ang sarili mo, pero anu nga bang dapat gawin??


BORED na naman akooooooooooooooooo....