Bakit kaya mahilig magsalita ang mga ina? or madalas bungangera? Nang dahil lang sa shokshok na mas maliit pa sa thumb ko, sinermonan na ako. Haha. Pero kung iisipin mo nga naman hindi practical, sino ba naman ang bibili ng shokshok na maliit sa halagang 60pesos? wala ng iba kundi AKO.
AKO. AKO. AKO. Hahahaha. Dumating ako sa bahay na maraming dalang tali at shok shok nakita ng ermats ko at tinanong kung saan ko nabili at kung magkano at dahil sa maliit na shok shok na yun, isang mahabang sermon ang narinig ko, daig pa nya ang SONA ng presidente at ang mga paring nanenermon twing misa. Kung meron mang sa mundong ito ang bibigyan ng pagkakataong magsalita, sya na.. ang may pinaka mahabang sasabihin at hindi mo gugustuhing pakinggan. Haha. Marami nga naman kaseng 10pesos na shokshok sa tabi tabi, bakit nga ba ko bibili ng ganun. Kasi nung una ko yung nakita, alam ko na matibay yun at maganda. Makikita naman sa quality na halatang matibay. Sa gitna ng pagsasalita ng ermats ko, tinanong ko sya.., pero muka naman syang matibay diba saka maganda?!? sagot nya OO, eh di yun na, yun ang mahalaga...saka sya tumahimik.
Siguro napag isip isip din nya na may punto naman ako. Madalas ako naghahanap ng tali kasi laging napuputol at di kinakaya ang kapal ng buhok ko, kesa naman bumili ako lagi at mura lang, maganda ng bumili ko ng mahal at alam kong di masisira. ^_^
Pero ito lang siguro ang masama, hindi nga sya nasira, kahit tulog ako hindi sya nababali di tulad ng iba na pag gising mo bali bali na, matibay sya talaga yun nga lang.. Nawawala sya at minsan nakakalimutan mo. Haha.. Naiwan ko ngayon sa bus ang mahal kong shokshok. Hahaha. Ganun lang kadali ang storya ng shokshok ko. A one-week relationship. LOL
No comments:
Post a Comment