Para sa isang feminist na katulad ko, ang salitang girl power ay nakakaganda ng pakiramdam ko, laging naiisip ko. IPAGLABAN ANG MGA KABABAIHAN!! kulang na lang makipag rebolusyon ako para lang ipagtanggol ang karapatan ng mga babae pero bigla kong naisip..girl power...pero pano kung sobra na pala?
minsan nakakita ako ng lalaking sinisipa ang gf/wife/kabit/etc (hindi ko alam), iyak lang ng iyak ang babae, gusto kong sipain ang lalaki or kaya batuhin or sumigaw or awayin pero naisip ko, alam ko wala kong karapatan maki alam sakanila pero iba parin ang mananakit diba? Ang hirap, di ko alam ang dapat gawin sa mga ganung sitwasyon, maki-alam at ipagtanggol ang babae or manahimik dahil problema naman nila yun? kayo ba naranasan nyo na yun? anung gagawin nyo pag may nakita kayong ganun? ang hirap kasi para sakin..
Pero nung kelan lang, iba naman ang sitwasyon, bago ako sumakay ng bus, may nakita akong babaeng inis na inis sa bf/asawa/kabit (hindi ko na naman alam) at maya maya, kinukurot na ng babae ang lalaki, at ang initial reaction ko? Wala.. natawa lang naman. haha, Naisip ko nung mga oras na yun, kakatawa naman to. haha, Nung una tumatawa yung lalaki tapos tumatakbo, pero yung babae hindi natinag, mas lalo pang nainis at mas lalo syang kinukurot ng mas masakit pa
**kurot sa tigiliran, takbo ang lalaki na natatawa, hinabol.. kurot pa ng kurot hanggang sa masakit na..
at hanggang sa hindi na mapinta yung muka ng lalaki at nanahimik na lang, natawa ako..hahaha, hindi ko rin alam kung bakit, siguro dahil bihira lang ako makakita ng babaeng nanakit ng lalaki, physically pero kung babae ang sinasaktan ng ganun malamang nagalit na naman ako, haha, oh well, anu bang masasabi nyo sa girl power? pano pag inabuso na? magagawa nyo ba ipagtanggol ang lalaki?
hahaha..
No comments:
Post a Comment