Wednesday, June 8, 2011

weird ako

Hindi lang siguro ako ang may "weird" stuff about sa sarili, lahat naman siguro ng tao, wala akong magawa kaya iisa-isahin ko ang mga bagay na nakakapagpa weird sa pagkatao ko.

1. i hate cheddar cheese - yeps, i hate cheese but i LOVE mozzarella and cheese-flavored food like, cheese-flavored french fries, chips, cheese bread and etc. kahit ako pinipilit kong intindihin pero kahit anung pilit ko hindi ko maintindihan ang sarili ko. Ayoko ng cheddar cheese, kapag may nakikita ako cheese on top of spaghetti, inaalis ako, pag may nakikita akong cheese sa burger, aalisin ko. Laging ganun, nakakakain lang ako ng cheese pag hindi ko alam na may cheese ang isang food or pag hindi ko nakikita. ^_^

2. i hate mayonnaise and "white" sauce that looks like mayo - ayoko ng white sauce na mga pasta and i hate mayo. nandidiri kasi akong tignan, tingin ko sa kanila laway ng kabayo pag may nakikita akong tao na habang kumakain ng carbonara or anything na may mayo or white sauce and merong white sa labi nila naiimagine ko ang kabayong ngumunguya.. o_O

3. i love and hate dogs - mahilig ako sa aso lalo na sa mga cute na mga aso, ang sarap nilang kurutin and nakakatuwang tignan, pero ayoko sakanila, kasi takot ako sa aso. kahit sa mga tuta, once na nakarinig na ko ng tahol ng aso, natatakot na ko at gusto ko na silang pag sisipain. ~_~ nakita ko kasi ang pinsan ko kung pano sya kinagat sa pwet ng aso ng isa naming pinsan kaya simula nun natakot na ko sa mga aso T_T kahit tahol lang ng isang tuta matatahimik na agad ako. o_O

4. anime influenced me a lot - hindi alam ng tao, pero ang anime ang pinaka nakaka impluensya sa pagkatao ko, ang pag iisip at ang pag uugali, siguro isa sa dahilan kung bakit ako may sariling mundo minsan kasi ganun ang ibang tauhan sa mga anime, nung nawala nga ko sa sarili at ni kwento ko sa kapatid ko ang una nyang sinabi, "anu ka anime?!?". Nung bata ako ayaw ng nanay ko at tatay na manood ako ng ganon kasi daw mga demonyo daw yung itsura, pero naimpluwensyahan ako ng mga demonyong itsura na yun. I learned to value my friends and sacrifice a lot kasi ganun ang mga anime, masyadong pinapahalagan yung mga kaibigan. Sa mga anime ko natutunan ang pagiging fair at ang justice na tinatawag at hanggang ngayon kahit matanda na ko yung mga ganung ugali nakatatak parin sakin, kahit minsan naiinis ako sa katangahan ng mga tauhan pero without even realizing it, tanga na din pala ko. haha ^_^

Ang unang anime na naka impluwensya sakin ay ang saber marionette at si lime yun, nung bata ako gusto ko maging katulad nya, nakakatuwa, masayahin at ginagawa ang lahat para sa taong mahal, to the point na minsan tanga na or martyr at hanggang ngayon i still want to be like her ^__^.

5. I won't wash dishes unless it's JOY - kala ng ibang tao, weird thing to or parang mababaw or bakit ganun?!? pero ang totoo. It's all about trust. Hindi ako naghuhugas ng mga plato kung hindi joy kasi yun ang una kong ginamit mula ng una kong naghugas ng pinggan. haha, so dun ako nasanay at dun ako nagtiwala, since ayoko na ng iba, ganun din sa toothpaste, sa sabon panglaba at iba pa. sa sabong pampaligo lang ata iba kasi lahat ng sabon tinatry ko para malaman kung ano dapat pagkatiwalaan ko. haha, at ganun din ako sa tao, hindi ako basta basta nagtitiwala and i bet kahit gano ko kamahal ang isang tao or katindi ang nararamdaman sa kanya, hindi ako magtitiwala. Oo, i know, sabi kung mahal mo dapat magtiwala ka, but i don't think matututunan ko yun. Nahihirapan akong magtiwala sa tao kaya siguro nahihirapan akong magmahal, or maybe i didn't really love the guys i've been with, coz, i never really trusted them. Nahirapan ako, nahihirapan at mahihirapan. I guess it's my destiny to be alone. I don't trust people as much as I don't trust any other dish washing liquid. lol. parang baliw lang. napaka seryoso. hahaha

It may sound funny but i guess it's really a serious psychological issue. ^_^

No comments:

Post a Comment