nakatikim na ba kayo ng masarap na ulam? malamang OO, eh masarap na ulam na luto ng inyong nanay? malamang din, OO. eh yung masarap na ulam na luto ng nanay nyo na paulet ulet?!? haha. hinde? ako, OO
Hindi marunong magluto ang nanay ko, noon. Mahilig lang kaming bumili sa mga carinderia, pero nung nag Highschool kami, naisip na nyang mag aral magluto, sa ngayon, may sampung putahe na yata ang alam nya. haha
Onti lang, pero ayos naman, may mga oras na masarap ang luto, meron namang, malayo sa dapat na iluluto nya, sinigang na parang tinola, tinola na parang nilaga, adobong baboy na parang piritong baboy sa sobrang tuyot, minsan nga, adobong baboy na parang mga baboy na pinakuluan sa toyo sa sobrang dami ng sabaw. haha,
Hindi naman chef ang nanay ko, so ayos lang, at pag masarap naman ang luto nya, daig ko pa ang patay gutom sa pagkain. hehe, kung iisipin mo na lulutuin nya ang mga alam nyang putahe sa bawat araw, makaka sampung araw kami na iba iba ang ulam at masaya yun.. KASO..
HINDE - hindi ganun ang nanay ko, kapag sinabihan mo sya na masarap ang luto nya, siguraduhin mong 3 beses sa isang linggo mo yun makakain minsan pa nga, pag ni-swerte ka, magiging 4 na beses. haha, katulad na lang ng adobo, specialty daw nya yun (kahit sobrang dali lang lutuin), pero medyo tama naman, hindi naman lahat ng adobo masarap pero mas marami talagang pagkakataon na masarap ang adobo nya, bilang lang ang palpak na tulad ng mga nasabi ko kanina. hehe
Adobong baboy ngayon, bukas or sa isang araw, adobong manok, tapos sa susunod, adobong baboy ulet..paulet ulet na cycle..nakakaumay ~_~ minsan, pag tatanungin ko na nanay ko kung anu ulam or minsan pag nakita kong adobo na naman, sisigaw na ko... *waaaaahhh* sabay tawa ang aking ina.. ~_~
kaya nung nag apartment ako at nabuhay magisa, nilayo ko ang sarili ko sa adobo. haha, pero sa twing umuuwi ako, adobo pa rin! haha..wala ata akong kawala sa kapangyarihan ng adobo. hahaha =))
nagtataka lang ako, bakit ba ganun ang mga ina or magulang? nung na kwento ko yun sa isa sa mga kaibigan ko, ganun din daw ang tatay nya since ang tatay nya ang nagluluto sakanila, kapag pinuri, patay na! yun na ang madalas mong kakainin, at wala kang choice! haha
Oh well, maging ganun kaya ako pag ako naging isang ina at natutong magluto?!?
No comments:
Post a Comment