Saturday, January 15, 2011

pinagbibiling toothbrush?

Kung lahat kaya ng bagay nabebenta, bibili ka? or ipagbibili mo?

Nakakatawa lang kasing isipin, sobrang dami na ngayong pinagbibili online. Second hand, brand new, gadgets, beauty products, etc.. as in sobrang dami nila so if ever ba nakabili ka ng isang bagay at di mo nagustuhan, ipagbibili mo ba agad??

kung pwede lang nuh? kung lahat lang nabebenta agad at nabibili or may bumibili. haha

Bumili kasi ako nung kelan ng toothbrush, colgate ang tatak. Lagi naman colgate ang tootbrush ko and masarap naman sa bibig, unlike those toothbrush na mumurahin at madaling masira, mejo pricey sya for a toothbrush kasi merong mga 50+ or 100+ samantalang pag bumili ka sa mga kanto kanto, 10pesos lang. haha


Nung kelan lang umuwi ako sa bahay namin, sa totoong bahay ko, nag aapartment kasi ako ngayon, and naiwan ko yung toothbrush ko sa bahay namin, worth 100+ ata yun, so nung umuwi ako sa apartment, wala akong magamit kaya bumili ako ng worth 50+ na toothbrush from colgate parin syemre, pero na disappoint lang ako, kasi nung pag gamit ko, ang tigas at ang sakit sa gilagid, parang bato na kinikiskis sa ngipin mo at gums, so na disappoint ako, ang tagal ko ng bumibili ng toothbrush ng colgate bakit ganun ang toothbrush nila ngayon?,

habang nag to-toothbrush ako bigla ko lang naisip, kung ipagbili ko kaya to may bibili kaya? hahaha, nakakadiri mang isipin pero naisip ko sya, hahaha. =))

ipopost ko sa ebay or sa kahit anung site ang mga katagang to..

TITLE: 2nd hand toothbrush for sale!

bought it for 50+ and will sell it for as low as 30pesos.
isang beses pa lang nagagamit, walang kasira sira.. at pagkatapos ko gamitin, nilagay ko agad sa lalagyanan.
may kasama pang lalagyanan ng toothbrush, sobrang naka mura na kayo!

Please PM me for more details..

reason for selling?
TOOTHBRUSH UPGRADE!!


tingin nyo?, magiging mabenta kaya? pipicturan mo sya at ipopost ang bagong biling toothbrush, kasama ang box nya at resibo ng pinagbilhan mo.

may mga magpopost kaya at sasabihin,

hi, im interested, last price po ng toothbrush?

OR magsasabing

magkano po pag may kasamang toothpaste? anu pong toothpaste yung ginamit nyo nung ginamit nyo ang toothbrush na yan?

OR

pwede ko po ba i-trade yung oral b q na toothbrush?



nakakatawang isipin nuh? na medyo nakakadiri. hahaha

pero naiisip ko ang mga ganitong bagay, mga bagay na walang kwenta, na nakakadiri. hahaha

so kayo kaya? kung pwede lang lahat mapagbili?

ipagbibili nyo ba? ako kasi mukhang oo, haha, pero..

ang tanong..

bibili din ba kayo??

bibilhin nyo ba ang toothbrush ko??

LOL =))

1 comment: