ito na naman po ako at nagtatanong, naisip ko lang kasi kung bakit may hangganan ang pagtubo ng buhok sa kili kili at doon... -> sa baba po! wahehe
hindi nyo man lang ba naisip or ni minsan ba hindi nyo na i try, kung hanngang saan pwedeng tumubo ang buhok sa ibang parte ng katawan nyo? sa ulo kasi, walang hangganan ata..meron nang nakapagpatubo ng sobrang haba sa guinness book of world record. Minsan, oo, tina try ko. hahahaha
Minsan, naiisip ko, gusto kong maging lalaki. Maghubad sa kalye kapag naiinitan, magtaas ng kamay kahit sabog ang buhok sa kilikili at mangligaw ng sobrang gandang babae na ang tanging mapagmamalaki lang ay ang aking kagandahang asal at sense of humor na walang kapantay. wahaha. tanging lalaki lang ang makakagawa ng mga ganung bagay, kaya minsan na subukan ko ng, magpahaba ng buhok... sa kili-kili. wahaha, dahil yun lang ang kaya kong gawin, bilang babae.
Nakakatawa or nakakadiri mang isipin, at NAKAKAHIYA, pero gusto ko lang subukan kung hanggang saan ba ang ihahaba ng buhok ko, sa kili-kili. hahahaha. kaso bilang babae, at yung ibang damit ko ay sleeve-less kaya kinailangan ko ng putulin ang hinaba ng buhok ko at isa pa, masyado na din akong inaasar ng hawsmate ko na pagka-ganda ganda ng kili-kili. haha
pero, siguro alam yun ng matatalino at ng mga scientists, kung anung explanation kung bakit sa ulo lang humahaba ang buhok pero hindi naman kasi ako tulad nila, so yung mga tanong ko. ay tanong pang bata lang at pang ordinaryong tao.
=D
No comments:
Post a Comment