Tuesday, December 28, 2010

Nagiisang Insecurity

Meron ba kayong insecurity sa katawan kahit isa lang? OO, hindi magandang ma-insecure pero meron ba kayo kahit isa na pinagdasal na sana ganun kayo or meron kayo ng ganong bagay?



Ako oo, insecure ako sa may magagandang ngiti. Pala ngiti akong tao at masayahin, mahilig mag picture picture noon pero nabago lahat yun, takot akong magpacheck up sa lahat ng bagay. May sakit ata ko sa gums, madaling nagdudugo gums ko at konting nguya lang madaling nadudurog ung ngipin ko. I don't know what happened but it came to a point that my front teeth was a big mess so I had to make it look better. I am not using a false teeth pero parang ganun na din jacket nakasi ang ngipin ko. Pag jacket meaning may totoong ngipin pero hindi na sya buo. half na lang parang pangil na lang at pinatungan ng false teeth kaya kumakapal ang ngipin at kaya lumaki tuloy ang nguso ko at kumapal ang gilagid. haha


Ito ang greatest insecurity ko, I may not be pretty pero wala kong inggit maliban sa ngiti. Gustong gusto kong ngumiti ng hindi nahihiya, gusto kong makita ng lahat pag masaya ako lalo sa mga pictures at gusto ko pa rin ngumiti kahit nalulungkot ako, pero I don't have the confidence na to smile in front of a camera and sometimes in front of other people.


Ang hirap noh? Kayo ba? Ano ang nagiisang insecurity nyo? Meron ba or wala?


hehehe :D

Sunday, December 5, 2010

Facebook questions

Kamusta na? may katanungan na naman ko. Sobrang uso ngayon ang facebook at maraming mga bagay ako na nakikita na nagbibigay katanungan sakin tungkol sa facebook na yan!


So here it goes, sobrang dami at madalas mag update ng status ang mga tao sa facebook. So anu bang mga reason bakit tayo nag popost ng status? That's because we want to shout what we feel. We want everyone to know what we think and the "sayings" or kasabihan that we like.


So why make it redundant by liking your own status? haha LOL, uu, i know anu nga bang paki ko? haha. maybe people like those are bored. Bored lang din ako at namumuna.
La lang, i don't get the point of liking what you just posted on your status or on your wall and commenting on it. Sa huli ang makikita mo ay sarili mo lang. Nag post ka ng status or something sa wall mo, a video or whatever, you clicked the like button and then you commented on your own post.


That's a pretty boring wall or redundant. haha


Sa huli ang makikita mo lang ay sarili mo. Ni-like mo ng lahat ng nipost at nilagyan mo din ng comment. haha, puro ikaw lang sa wall mo at wala ng iba. hahhaha

so guys, what's the reason?


is that just to abuse the power of LIKE button or comment button? haha. or just abusing facebook? haha. pangdagdag post sa wall? boredom? or wala lang just liking it and talking to yourself on facebook?

haha. curious lang naman, not really nangbabasag ng trip.


so what's the answer? :D

meron pa pala, ang mga taong mahilig mag thank you kpag may nag like ng ni post nila, oh so gusto ko ung pinost mo, anu naman? haha. unang una, madaLas hndi naman un galing sau or di mo naman ginawa? haha

yun pang magpaalam na i-share ang isang video na nakita nila sa wall ng iba na galing naman sa youtube. haha, di ako ang may ari ng video na yan. kahit ipost or i-share mo ng paulit ulit, hindi kita kakasuhan ng pagnanakaw. hahha

un lang wala lang magawa sa buhay :D

Friday, November 26, 2010

sa mundo ng mga LaLaki

3 years na kong nagwowork at 3 yrs na din na araw araw puro lalaki ang kasama ko, less than 15 or 10 lang ata kaming girls nung nag start ako sa work at nasanay na ko sa mga kabastusan nila, nung una hindi ko kaya. I REALLY HATE GREEN JOKES, kasi naniniwala ako na mas marami pang mas nakakatawa at masasayang bagay ang mapag uusapan at magagawan ng joke kesa sa mga kabastusan na yan, pero ganun ata talaga ang mundo ng mga lalaki.

Mundo ng mga lalaki ay mundo ng kalibugan. Mundo ng kabastusan. Mundo ng mga hayok sa laman. hahaha.

Sa mundo nila, paano ba maging babae?

Pano ba maging babae sa mundo ng mga lalaki? haha, paano ba sabihin kung hindi ka natutuwa sa mga hirit nila, kung nababastusan ka sa mga sinasabi nila at hndi mo nagugustuhan ang mga ginagawa or kinikilos nila, kung nasanay sila na ka tropa ka at tinuturing kang lalaki?

Paano ba maging open minded at sanayin ang sarili sa mga nakikita at mga posibilidad na makita sa mga bagay na ginagawa ng lalaki?

Am i immature? close minded? or guys are just plain pigs?

sabi nga ng friend ko guys are pigs, they can fuck every/any girl they want.

Somehow, I realized how true it is.. based from guys around me.. they have proven me one thing,

Men are men. and most of the time they think with their dick.

Nalimutan ko ng babae nga pala ko and somehow i want to be respected as a girl, hindi ko na alam kung pano magpakababae at ipakita sa ibang tao na sensitive pa rin ako at emotional just like any other girls.

Madalas na ang unang nakikita ko ay mga babae, kesa sa mga lalaki kaya naiisip ko at ang tagal tagal ko ng nagtataka na bakit parang wala na kong nakikitang gwapong lalaki, then i realized, hindi ko lang sila nakikita kasi babae na ang tinitignan ko but don't get me wrong i'm still straight, ung paningin ko lang ang iba. haha

malapit na ata kong tubuan ng etits, if that happens..

i'll fuck every girl i want. haha. kiddin'

it's sad.............

:)

Wednesday, November 10, 2010

hanganan ng pagtubo

ito na naman po ako at nagtatanong, naisip ko lang kasi kung bakit may hangganan ang pagtubo ng buhok sa kili kili at doon... -> sa baba po! wahehe

hindi nyo man lang ba naisip or ni minsan ba hindi nyo na i try, kung hanngang saan pwedeng tumubo ang buhok sa ibang parte ng katawan nyo? sa ulo kasi, walang hangganan ata..meron nang nakapagpatubo ng sobrang haba sa guinness book of world record. Minsan, oo, tina try ko. hahahaha

Minsan, naiisip ko, gusto kong maging lalaki. Maghubad sa kalye kapag naiinitan, magtaas ng kamay kahit sabog ang buhok sa kilikili at mangligaw ng sobrang gandang babae na ang tanging mapagmamalaki lang ay ang aking kagandahang asal at sense of humor na walang kapantay. wahaha. tanging lalaki lang ang makakagawa ng mga ganung bagay, kaya minsan na subukan ko ng, magpahaba ng buhok... sa kili-kili. wahaha, dahil yun lang ang kaya kong gawin, bilang babae.

Nakakatawa or nakakadiri mang isipin, at NAKAKAHIYA, pero gusto ko lang subukan kung hanggang saan ba ang ihahaba ng buhok ko, sa kili-kili. hahahaha. kaso bilang babae, at yung ibang damit ko ay sleeve-less kaya kinailangan ko ng putulin ang hinaba ng buhok ko at isa pa, masyado na din akong inaasar ng hawsmate ko na pagka-ganda ganda ng kili-kili. haha

pero, siguro alam yun ng matatalino at ng mga scientists, kung anung explanation kung bakit sa ulo lang humahaba ang buhok pero hindi naman kasi ako tulad nila, so yung mga tanong ko. ay tanong pang bata lang at pang ordinaryong tao.

=D

Saturday, September 25, 2010

funny guys vs funny girls

im here again, curious na naman at nagtatanong.

Bakit madaling mainlove ang mga babae?? it sucks right? we're so emotional and easily attached to those "assholes". haha.. i mean, to those men. haha. madali tayong naiinlove, nalulungkot at nasasaktan. what's the most pathetic or funny ? ( for me lang huh.. ) we easily fall in love to those guys who have overflowing sense of humor and yet all guys are looking for pretty, hot and gorgeous women.

It sucks because I don't like it, actually after my last relationship I don't like watching love stories na, parang wala na kong time para dyan, parang hindi ko na kayang ma inlove. it's weird lang kasi parang im starting to fall in love na naman at ano bang meron sa mga komedyanteng lalaki na yan? at bakit ang daming naiinlove sa kanila? at bakit ang bilis ma inlove at mauto nating mga babae lalo na ng mga tulad nilang lalaki??

Isang patawa lang nila or patawanin ka lang ng isang buong araw, kinabukasan magugulat na lang ang babae, nagseselos na sya sa mga babaeng kausap ng nakakatawang lalaki na yun. hahaha, maiinis at sasabihin sa sarili pangit naman yun bakit ako magkakagusto dun, pero isang hirit lang nya. ngingiti ka na naman at sasaya.

pero most of the time, pag ikaw ang funny girl, matutuwa lang sayo ang mga lalaki, gusto ka lang kasama at kabarkada hanggang tropa lang, and they fall to those hot girls na nakakapagpatigas ng kanilang tongtong, may makinis na balat, magandang kutis at magandang muka..

i was just wondering, my friend kasi ako at based from my experience na din siguro. i used to have MUs, onti lang talaga naging bf ko kasi strict ang parents so nagka bf lang ako ng official after college, pero nung college ako. nagka SO ako or secret on, hehe. well, most of my MUs ended up as my good friends or tropa kasi yung personality ko medyo loud at funny so, parang with that pang tropa lang ako, even my last bf eh, kami pero pag makikita mo kami na magkasama parang mag tropa lang so that was one of the reasons kaya siguro di kami nag work out, somehow i wanted to be treated as a princess pero dahil nasanay kami na tropa so we ended up as tropa na lang din.

Anu bang pinag iba ng funny girls sa funny guys? so bakit minamahal agad ng mga babae ang mga komedyanteng lalaki at ang mga komedyanteng babae ay tinotropa lang ng mga lalaki?


weird.. ~_~


curiosity ng isang babaeng nagkagusto at nagkakagusto sa isang nakakatawang lalaki. haha

Monday, June 21, 2010

holy shit

yan ang una kong post sa isa kong blog. tingin ko kasi dapat ko na syang burahin dahil hindi ko na nabibisita! pero i tried my best to write in english in that blog ah. hehe. kaya ngayon itatransfer ko na lang dito kung anu ang pag uutak na meron ako dun.


nasa bus ako nun, pagod masakit ang katawan at gustong gusto magpahinga! hanggang sa dumating ang konduktor at hiningi ang pamasahe ko, nagagalit ako nun kasi di pa puno ang piggy bank ko nung time na yun kaya todo in need ako sa mga coins, eh wala akong mapang bayad, hindi pwede buo kasi pag buo, hndi ako sinusuklian kaya binayad ko na Lang ung mga tag LiLimang piso ko na ikinabwiset ng araw ko. haha. iniipon ko kasi un, para sa PIGGY BANK!. hehe :D


habang nagbibigay ang konduktor ng mga ticket ng bus, narinig ko sya, san k?? yo en?? yo en daw yo en, so naisip ko. anung yo en?, then i just reaLized, she was taLking about UN paLa, UN ave sa may taft ata. haha :D so natawa ko, d naman ko ganun kagaLing mag pronounce ng mga saLita, pero natawa Lang ako. tapos naisip ko ang saLitang HOLY SHIT, Labo nuh? anung koneksyon nun? pero bigLa xa pumasok sa weird kong utak.

kanino ba nagsimuLa ang saLitang HOLY SHIT?, at bakit naman niLagyan ng saLitang HOLY ang mga words, minsan kasi parang timang na, may naaLaLa ako naLimutan ko Lang kung sino pero may naaLaLa ko na sitwasyon kung san ung kausap ko bawat end of sentence ata puros HOLY SHIT ang sinasabi. haha

so naisip ko, kanino ba gaLing ang HOLY SHIT?? LiteraLLy? kaninong pwet nanggaLing ang HOLY SHIT? at bakit keLangan kumaLat ang saLitang to? bakit keLangan ipangaLandakan na HOLY ang SHIT? at bakit nya naisip na Lagyan ng HOLY ang saLitang shit? gaLing ba to sa isang kagagaLang na tao na masasabing hoLy? tuLad ng isang POPE?? or ng SAINT or sa PARI? sa mga discipLes?? katumbas ba nito ang saLitang HOLY WATER, HOLY SPIRIT AT HOLY BIBLE? kasing makapangyarihan ba nito ang iba pang mga saLita na nabanggit ko? OR is the HOLY SHIT just a short term for a hole full of shit?? which really means, HOLE-Y-SHIT, pangit nga naman kasi kung LaLagi mong sasabihin ang hole full of shit, masyadong mahaba, pero anyweiz, hu cares? haha na curious Lang naman ako.. kasi kung tatagaLugin mu din sya, mas pangit pakinggan, BANAL NA TAE?? so buti na din na engLish un . hehe bsta..

I just don't get the point of adding HOLY to a word or part of the body, or whatever, kasi after this HOLY SHIT, the word HOLY HOLE came in and so on.. HOLY COW, HOLY MEAT!...

simula ng lahat

Dito magsisimula ang lahat, sa pang anim? or pang pitong pagkakataon.. magsisimula ulit ako, dahil magulo ang utak ko at hindi ko alam kung san papunta ang takbo ng isip ko. Masyadong maraming tanong, sa buhay at sa bagay, kahit walang mga kabuluhan, pinakiki-alaman!

ito na naman ako, magsisimula sa wala. maraming nasimulan, walang natatapos.