Sunday, May 12, 2013

my Hollywood experience bucket list. lol

I've listed out my bucket list before and those are the things that I really really like to do and experience but..deep inside, there's this urge inside me.. a different thing... a different set of bucket list and it's a weird one! :)


1.) Ride a cab and tell the driver - Follow that car! :)

2.) Say - "Itigil ang kasal!!"
3.) Make love for one whole day. hahaha =))
4.) Ride a horse with a white dress while my long black hair is being blown by the wind
5.) Do some action stunts like Jackie Chan

Wednesday, August 1, 2012

paulet ulet?

nakatikim na ba kayo ng masarap na ulam? malamang OO, eh masarap na ulam na luto ng inyong nanay? malamang din, OO. eh yung masarap na ulam na luto ng nanay nyo na paulet ulet?!? haha. hinde? ako, OO


Hindi marunong magluto ang nanay ko, noon. Mahilig lang kaming bumili sa mga carinderia, pero nung nag Highschool kami, naisip na nyang mag aral magluto, sa ngayon, may sampung putahe na yata ang alam nya. haha


Onti lang, pero ayos naman, may mga oras na masarap ang luto, meron namang, malayo sa dapat na iluluto nya, sinigang na parang tinola, tinola na parang nilaga, adobong baboy na parang piritong baboy sa sobrang tuyot, minsan nga, adobong baboy na parang mga baboy na pinakuluan sa toyo sa sobrang dami ng sabaw. haha,


Hindi naman chef ang nanay ko, so ayos lang, at pag masarap naman ang luto nya, daig ko pa ang patay gutom sa pagkain. hehe, kung iisipin mo na lulutuin nya ang mga alam nyang putahe sa bawat araw, makaka sampung araw kami na iba iba ang ulam at masaya yun.. KASO..


HINDE - hindi ganun ang nanay ko, kapag sinabihan mo sya na masarap ang luto nya, siguraduhin mong 3 beses sa isang linggo mo yun makakain minsan pa nga, pag ni-swerte ka, magiging 4 na beses. haha, katulad na lang ng adobo, specialty daw nya yun (kahit sobrang dali lang lutuin), pero medyo tama naman, hindi naman lahat ng adobo masarap pero mas marami talagang pagkakataon na masarap ang adobo nya, bilang lang ang palpak na tulad ng mga nasabi ko kanina. hehe




Adobong baboy ngayon, bukas or sa isang araw, adobong manok, tapos sa susunod, adobong baboy ulet..paulet ulet na cycle..nakakaumay ~_~ minsan, pag tatanungin ko na nanay ko kung anu ulam or minsan pag nakita kong adobo na naman, sisigaw na ko... *waaaaahhh* sabay tawa ang aking ina.. ~_~


kaya nung nag apartment ako at nabuhay magisa, nilayo ko ang sarili ko sa adobo. haha, pero sa twing umuuwi ako, adobo pa rin! haha..wala ata akong kawala sa kapangyarihan ng adobo. hahaha =))


nagtataka lang ako, bakit ba ganun ang mga ina or magulang? nung na kwento ko yun sa isa sa mga kaibigan ko, ganun din daw ang tatay nya since ang tatay nya ang nagluluto sakanila, kapag pinuri, patay na! yun na ang madalas mong kakainin, at wala kang choice! haha




Oh well, maging ganun kaya ako pag ako naging isang ina at natutong magluto?!?



Tuesday, June 12, 2012

Bucket List! ^_^

I created my bucket list about a year ago on my tumblr account but somehow I managed to have accomplished some of them that's why I'm really happy. I'll list down my updated bucket list here. ^_^. So those list that are in red means I've accomplished it. I know some of these are impossible but I would like to put it here anyways. ;) =P



My Bucket List before the world ends.
1. Get a tattoo
2. Sky dive -  ;)
3. Kiss A Stranger - :)
4. Run naked at the top of Mt. Everest. - don’t ask why ^_^
5. Eat a lot of delicious food - still doing this though =P
6. Learn a new language
7. Bungee Jump! :)
8. Go to Andrew Carnegie's hometown and to visit all his schools and libraries
9. Wanna see how and why terrorists plan/do their missions.
10. Be a volunteer worker that helps children ^_^.
11. Learn how to swim and swim with the dolphins.
12. Write a book.
13. Direct a film.
14. Have S*X in the middle of north pole.
15. To stop being scared and shy! :)
16. To experience living alone, in a different country and wander. :)
17. Smoke weeds.
18. LAUGH till I ran out of breath.
19. Learn how to use a gun.
20. Meet, kiss and hug all my celebrity idols (local and international stars). haha
21. Help a stranger.
22. Write a song.
23. Pole Dance.
24. Watch a male stripper, dance. o_O
25. Visit Stonehenge, Alcatraz and some prisons ^_^
26. Be able to face to face with the world’s biggest sea creature.
27. Be a teacher.
28. Slap someone really hard - just because I only know how to kick and punch.
29. To be totally happy by forgetting all the misfortunes and heartaches.
30. Be the perfect example of GOOD and EVIL. ^__^

Monday, June 4, 2012

pag ako namatay...

Minsan hindi ko alam kung anu ba ang kakaiba sakin at san ko napupulot ang mga sinasabi ko, minsan pasadya akong nagiisip ng mga bagay na pwedeng sabihin minsan naman kusa na lang lumalabas sa bibig ko. Weird ako? siguro, ata, OO, malamang? haha, pero minsan di ko lang talaga mapigilan na matawa na lang din sa mga nagawa at nasabi ko, tulad na lang nang minsan kaming nag usap ng EX ko. Pinag usapan namin kung anu gusto nya pag sya ay namatay..

Ex:  Gusto ko pag namatay ako, maraming maraming maraming flowers..para masaya, blah blah blah,,

Ako: Hmmm..Pag ako namatay, 
.
.
.
gusto ko......
.
.
.
.
.
KASAMA KITA!


Bigla yun lumabas sa bibig ko ng hindi nagiisip hanggang sa halos mamatay ako sa kakatawa nung na realize ko yung sinabi ko, hahaha. yung ex ko din, habang hinihithit ang yosi nya, natawa ng sobra at muntikan ng malunok  ang usok at hindi na mabuga! hahaha =))

Ex: Hindi ko alam kung matutuwa ba ko sa sinabi mo o maiinis eh!!

Hahahaha, hanggang ngayon ito ang isa sa pinaka nakakatawang ala-ala ko. hahaha, isama ko pa ang pareho naming pagkakagulat at ang reaksyon nya nung magka ubo ubo sya dahil sa yosi..

kayo ba? anu ang gusto nyo mangyari pag kayo namatay? anung gusto nyong gawin ng mga tao sa paligid nyo? hehe

Saturday, April 28, 2012

extra rriiiiceeee

rice/kanin.. yan ang madalas kong problema.. haha maliit na bagay pero malaking bagay para sa'kin. haha, para sa isang katulad ko na matakaw sa kanin.

mahilig ako sa kanin, minsan dalawang order pero madalas hanggang isa't kalahati lang ang kaya ko kaya naiinis ako.haha, mababaw ito alam ko, pero bakit walang half rice sa mga restaurant or fast food? huhuhu, nahihirapan na kasi ako minsan. Natatantya ko naman kung kulang or sobra sakin ang dalawang order ng kanin at madalas isa't kalahati lang talaga.




Sayang naman kung oorder ako ng dalawa tapos di ko mauubos nanghihinayang ako sa kanin kaya bakit ganun? sana man lang pwedeng half rice. hahaha.



Ito na ata ang pinakamababaw kong pinoblema! haha. Gusto ko ng EXTRA HALF RICE!!!!

Sunday, February 19, 2012

tattoo o sex? lol

Maraming tao ang mahilig magpatattoo ngayon, before nung kabataan ko sobrang bihira lang ako makakita ng taong may tattoo pero ngayon parang naging trend na sya. Di naman bago sakin ang tattoo kasi kahit mismo ang tatay ko meron, pero nung una kong nakita ang tattoo nya, naisip ko kung anung klaseng tao ba ang tatay ko at bakit sya nag patattoo, naisip ko pa nga kung nakulong ba ang tatay ko nung kabataan nya?!? haha.

Nung tumanda ako at nagkaisip, binale wala ko na din, nasanay ako at parang hindi naman naging issue or mahalaga sakin ang tattoo. It's just a tattoo, right?!

Nung nawala ang erpat ko, unang unang narinig ko sa ate ko, magpapatattoo ako ng pangalan ni papa, madalas nya yung sinasabi pero never naman natuloy, nakahanap ako ng work at ang isa sa opismate ko ay nagpatattoo ng pangalan ng ermats nya..nawala din kasi ang ermats nya, naisip ko tuloy ang ate ko.. hindi ko alam kung bakit never natuloy ng ate ko ang tattoo nya kahit madalas nya yung sinasabi.

Nung naisip din ng iba kong opismate na magpatattoo, naisip ko ako din..gusto ko din, kaso nag back out ang isa..so hindi na kami natuloy, naisip ko..saka na lang, pag may nakita akong taong magpapalakas ng loob ko. haha ^_^

Nagkaron ako ng hawsmate na mahilig sa tattoo, una nyang pinalagay ang pangalan nya, haha, naisip ko nun, jologs nman bakit kelangan ipatattoo ang name mo sa katawan? pero dun sya masaya, so hinayaan ko lang, nagkaron din ako ng mga bagong opismates din na maraming tattoo at mahilig sa tattoo, babae at lalaki.. pero ni isa walang nakapagpalakas ng loob ko..

Lumipas ang mga araw at buwan ng may nakita akong kaibigan nung highschool na sobrang tahimik at prang napaka fragile pero nagulat ako nung nagpost sya ng mga tattoo nya, ang dami na pala nyang tattoo. Yun ung araw na naisip ko, kung kaya nya..kaya ko rin :)

Nagpatattoo ako ng biglaan, after ilang days lang may tattoo agad ako, at nanabik pa ko at na excite sa pag iisip na magpapalagay ulet ako..

Hindi ko alam, na nakaka adik pala ang tattoo, ang sakit at ang sayang binibigay nito pag natapos na ang sakit at ilang oras na pagkakahiga. hehe. naisip ko nga sa sitwasyon ng mga babae..

ANG TATTOO AY PARANG SEX, MASAKIT NA MASARAP.. hahaha.. =))) pag di mo napigilan at na-control ang sarili, maaadik ka. haha =)) kung anu ang nkaka adik? ang sakit ng bawat tusok at kuskos ng needle o ang sarap ng feeling pag natapos na ang sakit? haha, ang totoo lang, hindi ko alam..basta masarap magpatattoo at nasisiyahan ako . hahaha.. pero kung anu ang mas masarap, sex o tattoo? yun ang di ko masasagot. haha =))

Thursday, January 5, 2012

ugaling babae

Ganito daw ang ugali ng babae, katulad ng nasa taas. Nagtataka lang ako, hindi naman ako ganyan at wala akong naaala na naging ganyan ako, or siguro nalimutan ko lang. Haha. Magbibigay ako ng ilang sample na naging sitwasyon sa buhay ko.

------------------------------
Guy: Ano mas bagay, puti or itim?
Ako: Pareho lang..
Guy: Anu yung mas maganda
Ako: Ikaw, anu ba yung mas gusto mo? Syempre kung san ka mas masaya at kung anu ung mas gusto mo yun ang piliin mo..
Guy: ....

--------------------

Guy: Pagupit na ba ko?
AKo: Ikaw..nahahabaan ka na ba sa buhok mo?
Guy: Hindi naman pero parang..blah blah..
Ako: Eh di ikaw ang bahala kung anung gusto mo..

------------------
Guy: Ano mas maganda, yung sa kaliwa or sa kanan?
Ako: hhhmm. sa kanan..
Guy: Ay yung sa kaliwa na lang
Ako: Ok, tatanong tanong ka pa, di mo pala kelangan ng opinion..

-------------------
Ako: Papagupit na ko
Guy: Ok pa naman buhok mo ah
Ako: Wala lang gusto ko lang para maiba naman
Guy: Ok.


Ngayong naaalala ko ang mga ganitong eksena, naiisip ko, nasan ako sa pagiging babae tulad ng nasa sample picture sa taas. Haha, parang malabo ata.. Ganyan ba talaga ang ugali ng totoong babae, so hindi ba ako babae? Nagtatanong lang.. hehe (^_^)