Sunday, February 19, 2012

tattoo o sex? lol

Maraming tao ang mahilig magpatattoo ngayon, before nung kabataan ko sobrang bihira lang ako makakita ng taong may tattoo pero ngayon parang naging trend na sya. Di naman bago sakin ang tattoo kasi kahit mismo ang tatay ko meron, pero nung una kong nakita ang tattoo nya, naisip ko kung anung klaseng tao ba ang tatay ko at bakit sya nag patattoo, naisip ko pa nga kung nakulong ba ang tatay ko nung kabataan nya?!? haha.

Nung tumanda ako at nagkaisip, binale wala ko na din, nasanay ako at parang hindi naman naging issue or mahalaga sakin ang tattoo. It's just a tattoo, right?!

Nung nawala ang erpat ko, unang unang narinig ko sa ate ko, magpapatattoo ako ng pangalan ni papa, madalas nya yung sinasabi pero never naman natuloy, nakahanap ako ng work at ang isa sa opismate ko ay nagpatattoo ng pangalan ng ermats nya..nawala din kasi ang ermats nya, naisip ko tuloy ang ate ko.. hindi ko alam kung bakit never natuloy ng ate ko ang tattoo nya kahit madalas nya yung sinasabi.

Nung naisip din ng iba kong opismate na magpatattoo, naisip ko ako din..gusto ko din, kaso nag back out ang isa..so hindi na kami natuloy, naisip ko..saka na lang, pag may nakita akong taong magpapalakas ng loob ko. haha ^_^

Nagkaron ako ng hawsmate na mahilig sa tattoo, una nyang pinalagay ang pangalan nya, haha, naisip ko nun, jologs nman bakit kelangan ipatattoo ang name mo sa katawan? pero dun sya masaya, so hinayaan ko lang, nagkaron din ako ng mga bagong opismates din na maraming tattoo at mahilig sa tattoo, babae at lalaki.. pero ni isa walang nakapagpalakas ng loob ko..

Lumipas ang mga araw at buwan ng may nakita akong kaibigan nung highschool na sobrang tahimik at prang napaka fragile pero nagulat ako nung nagpost sya ng mga tattoo nya, ang dami na pala nyang tattoo. Yun ung araw na naisip ko, kung kaya nya..kaya ko rin :)

Nagpatattoo ako ng biglaan, after ilang days lang may tattoo agad ako, at nanabik pa ko at na excite sa pag iisip na magpapalagay ulet ako..

Hindi ko alam, na nakaka adik pala ang tattoo, ang sakit at ang sayang binibigay nito pag natapos na ang sakit at ilang oras na pagkakahiga. hehe. naisip ko nga sa sitwasyon ng mga babae..

ANG TATTOO AY PARANG SEX, MASAKIT NA MASARAP.. hahaha.. =))) pag di mo napigilan at na-control ang sarili, maaadik ka. haha =)) kung anu ang nkaka adik? ang sakit ng bawat tusok at kuskos ng needle o ang sarap ng feeling pag natapos na ang sakit? haha, ang totoo lang, hindi ko alam..basta masarap magpatattoo at nasisiyahan ako . hahaha.. pero kung anu ang mas masarap, sex o tattoo? yun ang di ko masasagot. haha =))