Saturday, May 28, 2011

akin ang mundo ^_^

Minsan ba na experience nyo na gusto nyo ulit bumalik sa pagkabata? Yung bang tipong wala kayong iintindihin kundi sarili nyo at gagawin nyo lahat ng gusto nyo. Yung tipong may sariling mundo? Masayang isipin diba? Maganda, nakakatuwa, pero matutuwa ka parin ba pag sumobra na ang pag gawa mo sa sarili mong mundo?

Madalas pag mag isa lang ako lalo na pag nasa work, tumatakbo, kumakanta, tumatalon, naglalaro na parang bata, hindi ko alam kung natural lang ba yun or muka na ba kong tanga pero masaya ako kapag ginagawa ko yun, lalo na pag pupunta ko ng CR kaso mukang nasobrahan ng minsang magpunta ko ng mall.

Kasama ko ang mga office mates ko para manood ng Pirates of the Caribbean on stranger's tides. Masaya ang pakiramdam ko kaya tumatalon ako habang naglalakad at habang naglalakad nabasa ko sa isang boutique ang salitang Lock&Lock at sa hindi maipaliwanag na dahilan, kinanta ko ito at ginawan ng sariling tono.. *Lock and lock, lock and lock.. lalalala* habang tumatalon talon at tinataas ang dalawang kamay.

Natauhan lang ako ng may muntikan na kong matamaan na matandang babae, isang pamilya sila, dalawa silang mag asawa at ang bata nilang anak at lahat sila napatingin sakin at nagulat, napatigil ako at pagtingin ko sa likod ko, nawala sa isip ko na may kasama pala ko. Pati sila nagulat sakin, at hindi lang sila ang nagulat, pati ako nagulat sa sarili ko. hahaha

Nagkatawanan kaming lahat at sa sobrang kahihiyang nadama ko, nagtago ko sa likod ng isa kong opismate habang tumatawa.

Friend: "t*ngina, may sariling mundo ang p*ta! hahahha"

Nung mga panahong yun di ko alam nangyari sakin, LOL. natanong ko tuloy ang sarili ko, nababaliw na ba ko? Mukang kelangan ko na ata ng psychiatrist baka sa susunod hindi lang sa opis ako gumawa ng mundo, baka gawin ko ng sariling mundo ang earth. haha.

Ito ata ang nangyayari pag bored at kapag inaankin ang mundo. haha