Saturday, September 25, 2010

funny guys vs funny girls

im here again, curious na naman at nagtatanong.

Bakit madaling mainlove ang mga babae?? it sucks right? we're so emotional and easily attached to those "assholes". haha.. i mean, to those men. haha. madali tayong naiinlove, nalulungkot at nasasaktan. what's the most pathetic or funny ? ( for me lang huh.. ) we easily fall in love to those guys who have overflowing sense of humor and yet all guys are looking for pretty, hot and gorgeous women.

It sucks because I don't like it, actually after my last relationship I don't like watching love stories na, parang wala na kong time para dyan, parang hindi ko na kayang ma inlove. it's weird lang kasi parang im starting to fall in love na naman at ano bang meron sa mga komedyanteng lalaki na yan? at bakit ang daming naiinlove sa kanila? at bakit ang bilis ma inlove at mauto nating mga babae lalo na ng mga tulad nilang lalaki??

Isang patawa lang nila or patawanin ka lang ng isang buong araw, kinabukasan magugulat na lang ang babae, nagseselos na sya sa mga babaeng kausap ng nakakatawang lalaki na yun. hahaha, maiinis at sasabihin sa sarili pangit naman yun bakit ako magkakagusto dun, pero isang hirit lang nya. ngingiti ka na naman at sasaya.

pero most of the time, pag ikaw ang funny girl, matutuwa lang sayo ang mga lalaki, gusto ka lang kasama at kabarkada hanggang tropa lang, and they fall to those hot girls na nakakapagpatigas ng kanilang tongtong, may makinis na balat, magandang kutis at magandang muka..

i was just wondering, my friend kasi ako at based from my experience na din siguro. i used to have MUs, onti lang talaga naging bf ko kasi strict ang parents so nagka bf lang ako ng official after college, pero nung college ako. nagka SO ako or secret on, hehe. well, most of my MUs ended up as my good friends or tropa kasi yung personality ko medyo loud at funny so, parang with that pang tropa lang ako, even my last bf eh, kami pero pag makikita mo kami na magkasama parang mag tropa lang so that was one of the reasons kaya siguro di kami nag work out, somehow i wanted to be treated as a princess pero dahil nasanay kami na tropa so we ended up as tropa na lang din.

Anu bang pinag iba ng funny girls sa funny guys? so bakit minamahal agad ng mga babae ang mga komedyanteng lalaki at ang mga komedyanteng babae ay tinotropa lang ng mga lalaki?


weird.. ~_~


curiosity ng isang babaeng nagkagusto at nagkakagusto sa isang nakakatawang lalaki. haha